Chiz pinaalalahanan si Hontiveros sa pagtatanong sa defense ni VP Sara

Jul 8, 2026Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3Updated Just now
Abante
Abante

131K subscribers

View Channel

Video Overview

Video Details

Published1 week ago
Duration2:14
Video IDBbvM4zwyFyY
Languagefil
CategoryNews & Politics
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video

Performance Metrics

Views12
Likes0
Comments0
Engagement Rate0.00%
Likes per 100 views0.00
Comments per 1K views0.00

Description

Muling pinaalalahanan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero si Senator-Judge Risa Hontiveros na iwasan magtanong o maghayag ng conclusion sa paglilitis na hindi base sa ebidensyang ipinipresinta ng mga testigo. Ito'y matapos na kuwestiyunin ni Hontiveros ang relevance o kahalagahan ng ginawa ng depensa na pagpapakita ng video ni OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez sa grave threat ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Bongbong Marcos. Sa ikatlong araw ng impeachment trial, ipinakita ang bahagi ng online briefing noong November 23, 2024 kung saan pinakita si Lopez na umiiyak habang sinasabi nito na balak siyang ilipat sa Women's Correctional sabay giit na hindi siya isang kriminal at mayroon ding banta sa kanyang buhay. Kung matatandaan, ipinatawag noon ng Kamara si Lopez para sa imbestigasyon sa nilustay na confidential funds ng Office of the Vice President at dito ay ipina-cite in contempt ang COS. Kinuwestyon ni Hontiveros kung ang video ni Lopez ba ang nag-udyok kay VP Sara para pagbantaan ang buhay ng Pangulo at kinatigan ito ni defense lawyer Atty. Carlo Joaquin Narvasa. Aniya, ito ang naging ugat ng reaksyon ni VP Sara dahil kinakitaan ng systematic oppression o sistematikong panggigipit mula sa Kamara noong magsagawa ng pagdinig ang Quad Committee ukol sa confidential funds at sa kabila ng maayos na pagsagot ni Lopez ay ipina-cite in contempt at ipinakulong pa rin ang abogado. Tinanong din ni Hontiveros kung ang posisyon ba ng depensa ay palagpasin ang grave threat ng bise presidente kung may sapat namang dahilan kaya nagawa ang pagbabanta pero itinanggi naman ito ni Narvasa na dahilan upang muling palalahanan ni Escudero si Hontiveros sa pamamaraan ng pagtatanong nito patungo na sa conclusion ng kaso. | via Jojo Sicat

Related Videos

More videos from Abante