Pag-aalaga ng ornamental fish, nagsisilbing dagdag-kabuhayan sa maraming Pilipino

Jun 10, 2026Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3Updated Just now

Video Overview

Video Details

Published1 week ago
Duration15:11
Video IDOiiLLCbRShA
Languagefil
CategoryNews & Politics
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video

Performance Metrics

Views9
Likes2
Comments0
Engagement Rate22.22%
Likes per 100 views22.22
Comments per 1K views0.00

Description

#UsapangAgrikultura | Nakatutulong ang pag-aalaga ng mga ornamental fish upang mabigyan ng dagdag-kabuhayan ang publiko. Ayon kay Department of Agriculture - National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI) Senior Science Research Specialist Frederick Muyot, mataas ang local demand ng ornamental fish sa Metro Manila, Northern Mindanao, CARAGA at Davao Region habang top local producer ang Central Visayas, Davao Region, CARAGA, CALABAZON, at Western Visayas. Umaabot ng ₱500 hanggang ₱1,000 kada piraso ang presyo ng ordinaryong Koi na may sukat na isang talampakan habang ₱10,000 hanggang ₱50,000 kapag sobrang taas ang kalidad at Japanese Imported Koi ang mga magulang nito. ₱30 hanggang ₱50 ang bawat regular na Guppy ngunit maaaring pumalo sa ₱500 hanggang ₱1,000 kada piraso depende sa variety nito na maaaring double o triple ang presyo kapag ibinenta sa abroad. Naglalaro sa ₱20 hanggang ₱50 ang presyo ng Goldfish, Swordtail, Platy, at Angelfish na maaaring pumalo sa hanggang ₱1,000 bawat isa depende kung magandang klase. Binigyang-diin pa ng eksperto na maagang nagiging responsable ang mga bata at makatutulong sa kalusugan at isipan ng indibidwal ang pag-aalaga ng mga isda. | via Christopher Tirambulo #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM

Related Videos

More videos from Radyo Pilipinas 1