Ang Puno ng Duhat sa Brgy. Looc100+ yrs old/ Updated: 2026 Feb 2 15

Feb 15, 2026Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3Updated Just now

Video Overview

Video Details

Published4 months ago
Duration7:01
Video IDRq8mDDCTHv8
Languagefil
CategoryTravel & Events
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video

Performance Metrics

Views139
Likes2
Comments0
Engagement Rate1.44%
Likes per 100 views1.44
Comments per 1K views0.00

Description

ANG PUNO NG DUHAT SA BRGY. LOOC PUNO NG DUHAT LOKASYON: Mahogany Villas, Barangay Looc, Lungsod ng Calamba KLASIPIKASYON: MGA ESPESIMEN NG NATURAL NA KASAYSAYAN PAGMAMAY-ARI: MCDC Realty KABULUHAN o CULTURAL SIGNIFICANCE HISTORICAL-Ang puno ng Duhat na ito ay maituturing na "misteryosong puno" at isa sa mga pinakamatatandang puno sa Calamba, maraming mga hindi pangkaraniwang kwento at mga kwento ng kababalaghan mula sa punong ito. ECONOMIC-Ang punong ito ay pinakikinabangan ng mga tao sa barangay nito dahil sa maraming bunga na nakukuha mula dito na libreng nakakain at nakukuha. Ang mga bunga nito ay binebenta at pinagkakakitaan rin gaya ng pamilya ni G. Gil. Ang mga bahagi ng puno ay nakagagamot sa mga sakit kung kaya nakatitipid ang mga gumagamit nito bilang panggamot. SOCIAL-Ito ay nagsisilbing pahingahan at puntahan ng mga magkakaibigan, magkakapamilya, magbabarkada. Ang mga lilim ng punong ito at ang sariwang hanging naidudulot nito ay nakagiginhawa sa mga taong nakatira malapit dito. SCIENTIFIC-Ang mga bahagi ng puno ng Duhat ay nagagamit bilang herbal na medisina tulad ng balat, buto at dahon. AESTHETIC- Ang bunga nito ay masarap lalo na kapag isinasawsaw sa asin. MGA KWENTONG KAUGNAY SA ARI-ARIANG KULTURAL Ang puno ng duhat na ito ay nakapa- espesyal.. Bakit? Dahil ayon kay Lolo Omea, a.k.a. Romeo Nagpala, ang duhat na ito ay naging sentro ng mga kwentong bayan mula sa mga nagdaang henerasyon mula sa mga taga barangay, magsasaka, mangingisda, at mga batang gala na nagpupunta dito. Ang mga kwento ng alamat mula sa punong ito at sa paligid nito ay naikwento simula pa noong mga naunang panahon. Na, ayon sa mga kwento, mayroong tumira sa lugar na malapit sa duhat na mayamang pamilyang instik, angkan ng Limahong. At ang mga taga-barrio ay nakakita ng mga kagamitang pang kusina, Intsik, at iba pang mga gamit. Ang iba, gaya ng mga bata, ay nagsasabing nakakita ng ginintuang inahing manok at mga inakay na ang pakpak ay may kulay pilak na may isang dosena ang bilang na pagala-gala sa paligid ngunit nagtatago sa ilalim ng puno at nawawalang bigla twing may tao. Dahil sa kwentong ito, nagkaroon ng espekulasyon na mayroong nakatagong kayamanan dito. May isang magsasaka (tenant) na nagtangkang tibagin at hukayin ang lupa, ngunit sa tuwing gagawin niya ito, sya ay nagkakasakit. Ang dating Pangulo ng Pugad Lawin na si Ding Negrillo, 63, ay bumili ng bahay at lupa sa 2A sa subdibisyon, may sampung metro mula sa puno. Kinuwento ni G. Ding ang istorya na kumakalat noong panahon na ginagawa ang kalsada malapit sa puno, ang kwentong ito ay kahalintulad ng kwentong ibinahaging mga taga-barrio tulad ng negosyanteng si Clodualdo "Boy" Mane, Electrical contractor na si Luisito Baroro, at ang dating Bokal ng Laguna na si Luis Tanyag. Ayon sa mga kwento, namamatay ang makina ng tractor sa tuwing tatangkaing putulin ang puno. May mga pagkakataon rin na ang puputol ng puno ay nagkakasakit ayon sa lang manggagawa. Sinabi ni Bona na noong makita ng matandang developer na si G. Paulo Giovani Olivarez na natutuyot na ang puno, iniutos nito na hayaan na lang ang puno at gumawa na lang ng munting parke sa paligid nito. Kaya ang puno ng duhat ay nananatili roon. Ayon din kay Bona, matapos na magawa ang munting parke, ang puno ng Duhat ay nagsimula uling mabhay at yumabong. Sa kasalukuyan, ang puno ng Duhat ay maraming bunga na ikinatutuwa ng mga bata gayundin ng mga matatanda sa paligid nito. *mula sa pahina ng Profile of the Significant Cultural Heritage ng Lungsod ng Calamba sa patnubay ng NCCA, serye 2019. Photo credits: Dennis Cepeda

Related Videos

More videos from KalanBangaDeN