Christian Song | "Handa Akong Gugulin ang Buhay Ko Nang Kasama ang Paghatol at Pagkastigo ng Diyos"

Jun 16, 2026Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3Updated Just now

Video Overview

Video Details

Published3 weeks ago
Duration6:32
Video IDRyR4PKj4wyk
Languagefil
CategoryNonprofits & Activism
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video

Performance Metrics

Views2.8K
Likes294
Comments23
Engagement Rate11.24%
Likes per 100 views10.43
Comments per 1K views8.16

Description

Tagalog Christian Song | "Handa Akong Gugulin ang Buhay Ko Nang Kasama ang Paghatol at Pagkastigo ng Diyos" I O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay napakahalaga at napakaganda; paano ko gugustuhing mamuhay sa mga kamay ng masama? Hindi ba't ako ay Iyong ginawa? Paano ako mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo kaysa mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng masama. Handa akong ilaan ang aking katawan at puso sa Iyong paghatol at pagkastigo, hangga't maaari akong malinis, at maiaalay ko sa Iyo ang lahat-lahat ng sa akin, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ganap akong handa, at wala akong kahit katiting na reklamo. Hangga't kaya kong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, handa ako na gugulin ang aking buong buhay sa ilalim ng Iyong paghatol, at sa gayon ay malaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at maalis sa akin ang impluwensiya ng masama. II Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ito kasakit, ayaw ko pa ring mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ayaw ko pa ring mamuhay sa ilalim ng mga panlalansi ni Satanas. Nagagalak ako sa pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at nasasaktan ako sa pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Minamahal Kita habang namumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at napupuno nito ng labis na kagalakan ang puso ko. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay katuwiran at kabanalan; ito ay upang linisin ako at iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol nang tinatanggap ang Iyong pangangalaga, kaysa mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Nais kong malinis Mo ako; kahit na ako ay magdusa, ayaw kong magamit at maloko ni Satanas. III Ako, ang nilikhang ito, ay dapat na magamit Mo, taglayin Mo; dapat din akong mahatulan Mo, at makastigo Mo, at masumpa Mo pa nga. Masaya ang puso ko kapag handa Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pagmamahal. Ikaw ang Lumikha, at ako ay isang nilikha: Hindi ako dapat magkanulo sa Iyo at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ako dapat magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo, o baka Mo, sa halip na mamuhay para kay Satanas. Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, nang walang kasiyahan ng laman, kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya, masisiyahan pa rin ako sa Iyong pagkastigo at sa Iyong paghatol. Ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

More videos from Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos