Tagalog Christian Song | "Sinang-ayunan ng Diyos ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive"
Jun 17, 2026•Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3•Updated Just now
Video Overview
Video Details
Published3 weeks ago
Duration5:49
Video IDVqEUAReKk8w
Languagefil
CategoryNonprofits & Activism
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video
Performance Metrics
Views1.1K
Likes120
Comments12
Engagement Rate12.43%
Likes per 100 views11.30
Comments per 1K views11.30
Video Tags
#tagalog christian song#tagalog christian songs#tagalog christian worship songs#tagalog worship songs#tagalog praise songs#tagalog christian music 2026#tagalog christian music#tagalog christian music video#tagalog christian music worship songs#tagalog christian music worship songs with lyrics#tagalog christian instrumental music#panalangin tagalog christian music#music christian worship tagalog#christian music tagalog 2026#tagalog songs#diyos#tagalog praise songs
Description
Tagalog Christian Song | "Sinang-ayunan ng Diyos ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive"
“At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na paglalakbay, at siya’y sumigaw, at nagsabi, ‘Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.’” Ito ang mga salita na direktang ipinasabi ng Diyos kay Jonas sa mga taga-Ninive, kaya siyempre, ito rin ang mga salita na nais sabihin ni Jehova sa mga taga-Ninive.
I
Nang marinig ng hari ng Ninive ang balitang ito, tumayo siya mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal, nagsuot ng sako at naupo sa mga abo. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag na walang sinuman sa lungsod ang papayagang tumikim ng anuman. Kapwa tao at hayop ay magdadamit ng sako, at ang mga tao ay magmamakaawa nang taimtim sa Diyos. Ipinahayag din ng hari na ang bawat isa sa kanila ay tatalikuran na ang kanilang masasamang gawi at iwawaksi ang karahasan sa kanilang mga kamay. Batay sa magkakasunod na mga kilos na ito, tunay ang naging pagsisisi ng hari ng Ninive sa kaibuturan ng kanyang puso. Sa pamamagitan ng magkakasunod na mga kilos na ito, tunay na nagampanan ng hari ng Ninive iyong dapat gawin ng isang pinuno. Ang kanyang magkakasunod na mga kilos ay mahirap makamit ng sinumang hari sa kasaysayan ng tao, at wala ngang ibang hari ang nakagawa ng mga bagay na ito. Ang mga kilos na ito ay maaaring tawaging wala pang katulad sa kasaysayan ng sangkatauhan; at karapat-dapat ang mga ito na kapwa tandaan at tularan ng sangkatauhan.
II
Buhat sa simula ng tao, pinangunahan ng bawat hari ang kanyang mga nasasakupan sa paglaban at pagkontra sa Diyos. Walang sinuman ang nanguna sa kanyang mga nasasakupan na magsumamo sa Diyos para makabawi sa kanilang masasamang gawa, matanggap ang pagpapatawad ng Diyos na si Jehova at maiwasan ang nalalapit na kaparusahan. Subalit nagawang pangunahan ng hari ng Ninive ang kanyang mga nasasakupan na bumaling sa Diyos, na iwan ang kanilang masasamang gawi at iwaksi ang karahasan na nasa kanilang mga kamay. Bukod pa rito, nagawa rin niyang isantabi ang kanyang trono, at bilang kapalit, nagbago ang isip at nagsisi ang Diyos na si Jehova at binawi Niya ang Kanyang poot, at hinayaan ang mga mamamayan ng lungsod na manatiling buhay at malayo sa pagkalipol. Masasabi nang may katiyakan na ang mga kilos ng hari ay isang pambihirang himala sa kasaysayan ng tao, at maaaring tunay na ituring bilang isang huwaran ng tiwaling sangkatauhan na nagsisisi at nagtatapat ng kanilang mga kasalanan sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.