Cayetano pinuna NBI sa pamamaraaan ng imbestigasyon sa banta ni VP Sara
Jul 8, 2026•Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3•Updated Just now
Video Overview
Video Details
Published1 week ago
Duration1:43
Video IDYXkZqECP3lA
Languagefil
CategoryNews & Politics
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video
Performance Metrics
Views8
Likes0
Comments0
Engagement Rate0.00%
Likes per 100 views0.00
Comments per 1K views0.00
Video Tags
Description
Pinuna ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano ang ginawang pamamamaraan o proseso ng isinagawang imbestigasyon ni NBI Cybercrime Investigation Assessment Center Senior Agent John Mark Calilung sa ginawang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., Fist Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang online press conference noon November 23, 2024.
Sa ikatlong araw ng paglilitis ng impeachment court, kinuwestiyon ni Senator-Judge Alan si NBI Agent Calilong kung ikinonsidera ba nila na tanungin sa kanilang imbestigasyon ang PSG kung may banta sa buhay ng pangulo matapos ang sinasabing pagbabanta ni VP Sara.
Paliwanag ni Cayetano, ang PSG ang talagang unang ahensya na nag-iimbestiga kung may banta sa buhay ng pangulo at bise presidente at sila ang nakakaalam nito tulad aniya sa Estados Unidos na Secret Service ang nangangalaga sa pangulo ng Amerika.
Katuwiran ni Calilung na bukod sa pag-iimbestiga nila sa video ng pagbabanta ng bise presidente sa pangulo, kinumpirma na rin aniya ng National Security Council na mayroong pagbabanta sa pangulo.
Subalit nanindigan si Cayetano na dapat una muna nilang inalam kung may talagang pagbabanta ba sa buhay ng pangulo sa Presidential Security Group dahil sila ang unang nakakaalam nito.
Kinuwestiyon din ni Cayetano ang bahagi ng pagbabanta ni VP Sara na "Kapag namatay ako, patayin mo ang pangulo, first lady at house speaker" na aniya ay maituturing na conditional threat.
Tanong ni Senator-Judge Alan kay NBI agent Calilung kung ikinonsidera ba nila na conditional threat ang banta ng bise presidente dahil sa kapag siya ay pinatay dun lamang gagawin ang banta nito, at dahil sa buhay pa ito walang maituturing na banta sa buhay ng pangulo. | via Jojo Sicat