DA-NIMS, pinatitiyak na malinis ang ibinebentang karneng ulam sa school canteens at karinderya
Jun 9, 2026•Channel
AI Analysis
Data from YouTube Data API v3•Updated Just now
Video Overview
Video Details
Published4 weeks ago
Duration13:36
Video IDma8_AqNR1MY
Languagefil
CategoryNews & Politics
PrivacyPublic
Made for KidsNo
Video TypeRegular Video
Performance Metrics
Views49
Likes2
Comments1
Engagement Rate6.12%
Likes per 100 views4.08
Comments per 1K views20.41
Description
#UsapangAgrikultura | Hinihikayat ng Department of Agriculture - National Meat Inspection Service (DA-NMIS) ang mga school canteen at mga karinderya na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang matiyak na ligtas at malinis ang ibinebentang karneng ulam.
Layon nito na maiwasang makakain ng "hot meat" o maruming karne na maaring magdulot nang sakit o pagkalason ng mga customer lalo na ang mga estudyante.
Sinabi pa ni DA-NMIS Officer-in-Charge Executive Director Fernando Lontoc, mahigpit ang ahensya sa pagsusuri kung pumasa sa pamantayan ang mga kinatay na hayop.
Dagdag pa ni Lontoc, nagsasagawa rin sila ng pag-iinspeksyon sa mga imbakan ng mga karne tulad freezer at chiller na nakalagay ito sa maayos, malinis at nasa tamang temperatura.
Ayon pa kay Lontoc, importanteng nasuri, dokumentado, at mayroong tatak nang pagkasuri ang mga hayop bago at pagkatapos katayin, maging ang mga lamang-loob nito bago pa man ibiyahe at ibenta sa merkado.
Pinag-iingat naman ang publiko sa pagbili ng mga produktong karne lalo na kapag ni-repack at walang etiketa gayundin sa mga nabibili online.
Paglilinaw pa ng opisyal na hindi mamamatay ang mga mikrobyo sa hot meat kahit pa hinugasan at niluto pa ito.
Sa mga nais magsumbong sa ahensya, maaaring tumawag sa (02) 8924-7980. | via Christopher Tirambulo
#RadyoPilipinas
#RadyoPubliko
#IntegratedStateMedia
#ISM